120 sibilyan, nailigtas mula sa mga establisyimento sa Marawi na kinubkob ng mga rebelde – AFP

by Radyo La Verdad | May 25, 2017 (Thursday) | 1373


Isangdaan at dalawampung sibilyan ang nailigtas ng mga sundalo sa rescue operation sa mga establisyimento sa Marawi City na kinubkob umano ng Maute Group.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, pitumput walo sa mga ito ay ang mga nasa Amai Pakpak medical Center.

Kabilang sa mga nailigtas ang 8 pasyente, 21 hospital staff at 49 na construction worker.

Ngunit ayon sa AFP, limang sundalo ang nasawi at tatlumput isa ang sugatan sa rescue operations.

Sa pinakahuling tala ng AFP, alas sais kagabi ay labinganim na maute members na ang napatay ng militar.

Tags: , ,