Bilang ng mga nasawi sa reloaded Oplan Double Barrel ng PNP, umabot na sa 42

by Radyo La Verdad | March 22, 2017 (Wednesday) | 1161


Apat na pu’t dalawa na ang bilang ng mga nasawi mula nang ibalik ng Philippine National Police ang kanilang operasyon kontra iligal na droga.

Sa datos na inilabas ng pnp ngayong araw, mahigit two-thousand eight hundred na rin ang naaresto habang mahigit sa labintatlong libo ang sumuko mula sa mahigit isangdaang libong bahay na kinatok ng mga pulis.

Una nang sinabi ng PNP na sisikapin nilang
maging ‘less bloody’ o hindi masyadong marahas ang pagpapatupad ng operasyon kumpara sa unang war against drugs.

Pinakikiusapan na rin umano nila ang drug suspects na huwag nang manlaban upang huwag mapatay sa mga operasyon.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,