Briefing ng executive sa Kamara patungkol sa Martial Law, irerekomendang gawin sa isang executive session

by Radyo La Verdad | May 25, 2017 (Thursday) | 1726


Sa Lunes hihiilingin ni House Majority Leader Cong. Rudy Fariñas na gawin sa isang executive session sa Kamara ang briefing na ibibigay ng executive patungkol sa idineklarang Martial Law sa Mindanao.

Taliwas ito sa naunang naireport na sa Lunes gagawin ang executive session.

Sa closed door meeting na ito na nakatakda sa Miyerkules, iimbitahan ang executive secretary, mga miyembro ng gabinete at kinatawan ng Department of Interior and local Government o DILG, at Department of National Defense at iba pang ahensya.

Hiwalay ito sa gagawing briefing ng ehekutibo sa senado na gaganapin naman sa Lunes ng umaga.

Matapos ang magiging briefing na ito, saka aaksyon ang kongreso kung irerevoke ba nila, o ieextend ang deklarasyon ng Martial Law na ayon sa batas ay tatagal lang ng anim na pung araw.

(Joyce Balancio)

Tags: , ,