Cebu PNP, nananawagan sa kasama ni David Lim Jr. na sumuko na rin

by Radyo La Verdad | March 21, 2017 (Tuesday) | 1307


Nanawagan ang Philippine National Police Regional Office 7 sa kasama ni David Lim Jr. na sumuko na rin.

Ayon kay PRO 7 Director C/Supt. Noli Taliño, kailangan din nitong magbigay ng pahayag upang malinawan ang nangyaring insidente na humantong sa pagkakabaril ng nurse na si Ephrain Nuñal noong lingo ng umaga.

Sinasabing kasama ni Lim ang kanyang nobyang si Tamae Takahashi nang mangyari ang insidente.

Si Lim ay una nang sumuko kaninang madaling araw.

Tags: , ,