Ex-Sen. Leticia Ramos-Shahani, pumanaw na

by Radyo La Verdad | March 20, 2017 (Monday) | 1282

Photo Credit: Lila Shahani

Pumanaw na si dating Senador Leticia Ramos-Shahani kaninang madaling araw.

Ayon sa anak nitong si Lila, dakong alas-dos kwarenta kanina namatay ang kanilang ina matapos ang halos isang buwang pananatili sa intensive care unit bunsod ng infection at pneumonia dulot ng colon cancer.

Si Shahani ay kapatid ni dating Pangulong Fidel V. Ramos at nagsilbing senador noong 1987.

Kamakailan lamang ay itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Durterte bilang sa mga board member ng Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan.

Tags: ,