Mahigpit na seguridad sa kulungan ng mga naarestong Maute members, ipinag-utos ng PNP Chief

by Radyo La Verdad | June 20, 2017 (Tuesday) | 840


Inatasan ng hepe ng PNP ang NCPRPO na doblehin ang pagpagbabantay sa mga miyembro ng teroristang grupong Maute na kasalukuyang nakakulong dito sa Metro Manila.

Sa kabila ng panganib, mas kampante ang PNP Chief na nasa kustodiya ito ng PNP upang hindi na ito makaimpluwensya pa sa kanilang mga kagrupo.

Hawak ngayon ng NCRPO sina Cayamora at Farhana Maute na mga magulang ng dalawang lider ng Maute terror group na sina Omarkhayam at Abdullah Maute.

Habang nakatakda ring dalhin dito ang ilan pang miyembro ng Maute na naaresto kamakailan.

Binigyang diin naman ni General dela Rosa na mas naging madali ang pag-aresto sa mga teroristang grupo mula nang ideklara ang martial law.

Grace Casin / UNTV NEWS Reporter

Tags: