Mga Pilipino at Russians, excited na sa pagbisita ng pangulo sa bansa

by Radyo La Verdad | April 27, 2017 (Thursday) | 1665


Puspusan na ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa iba’t-ibang grupo ng mga negosyanteng Pilipino at Ruso dito sa Moscow, Russia.

Ayon kay Ambassador Carlos Sorreta, isang malalim na usapan patungkol sa pagpapalawak ng bilateral relations ng dalawang bansa ang inaasahang lalagdaan sa nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin.

Malaking grupo rin aniya ng mga negosyante ang isasama ng pangulo sa kaniyang pagbisita na nakatakda sa buwan ng Mayo.

Hindi naman matago ng mga Pilipino at maging ilang Russian ang kanilang pananabik sa pagbisita ng pangulo.

Naniniwala ang embahada na sa pamamagitan on site na ito ay marami sa ating nga kababayan ang matutulungan lalo na ang pagsasaayos ng kanilang pension.

Umaasa naman ang ating mga kababayan na magtuloy tuloy ang programa ito.

(Ronald De Guzman)

Tags: ,