Mga sugatang sundalo sa Cagayan de Oro, isinabay ni Pangulong Duterte sa presidential plane patungong Maynila

by Radyo La Verdad | June 21, 2017 (Wednesday) | 1089

Courtesy: Presidential photo

Isinabay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa presidential plane papuntang Maynila ang siyam na sugatang sundalo mula sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City kagabi.

Ayon sa ilang opisyal na kasama ng pangulo, inalalayan at sinamahan pa nito ang mga sundalo sa ambulansya na maghahatid sa kanila sa airport.

Nakipagkwentuhan rin ang commander-in-chief sa mga ito habang nasa biyahe.

Ang mga naturang sundalo ay kasama sa mga nakipagbakbakan laban sa Maute terrorist group sa Marawi City.

Tags: , ,