Pagkakakilanlan ng 4 na bihag ng Maute Group, inaalam na ng PNP

by Radyo La Verdad | May 26, 2017 (Friday) | 1757


Inaalam na ng PNP ang pagkakakilanlan ng 4 na sibilyang bihag ng mga rebeldeng grupo sa Marawi City.

Samantala pinangalanan na ng PNP ang 2 pulis na nasawi sa banbakan.

Ito ay sina Senior Inspector Freddie Solar at Police Inspector Edwin Placido.

2 iba pang pulis naman ang sugatan sa engwentro.

Bineberipika pa sa ngayon ng pnp sa bilang ng mga nadamay na sibilyan sa insidente.

Itinanggi naman ng PNP ang balitang sinunog ng mga rebelde ang Marawi Police Station.

Target ng PNP na mailikas ang lahat ng mga residente sa apektadong lugar sa Marawi.

Upang hindi na lumaki pa ang bilang ng casualties sakaling lalong uminit ang tensyon doon.

Sapat din daw ang bilang ng special action force para kontrolin ang lugar.

Samantala tiniyak namn ng PNP na hindi malaabag ang karapata ng mga sibilyan sa panahon ng martial law sa Mindanao.

(Grace Casin)

Tags: ,