PNP, tiniyak na walang special treatment kay dating CIDG Region-8 Chief PSupt. Marvin Marcos

by Radyo La Verdad | March 22, 2017 (Wednesday) | 1543


Tiniyak ng Philippine Natinal Police na hindi bibigyan ng special treatment ng Criminal Investigation and detection Group o CIDG Region-8 ang dati nitong hepe na si Superintendent Marvin Marcos.

Si Marcos ay pansamantalang idinetain sa CIDG 8 habang naghahanap pa ang Korte at Bureau of Jail Management and Penology ng kulungang angkop na paglagyan sa mga akusado sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Dionardo Carlos, ipinauubaya na nila sa pasya ng korte kung saan ito dapat ikulong.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,